Résumé de l'épisode
Isang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na katotohanan—may nililigawan ito at pinagpustahan lang siya ng mga kasamahan nito. Sa gitna ng takot at pagtataksil, natutunan niya na hindi lahat ng tao na pinag kakatiwalaan natin ay may mabuting intensyon. Ito ang secret file ni JC.
Isang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na katotohanan—may nililigawan ito at pinagpustahan lang siya ng mga kasamahan nito. Sa gitna ng takot at pagtataksil, natutunan niya na hindi lahat ng tao na pinag kakatiwalaan natin ay may mabuting intensyon. Ito ang secret file ni JC.
Épisodes
Nakipag-one night stand ako sa katrabaho ko
ÉcoutéIsang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na katotohanan—may nililigawan ito at pinagpustahan lang siya ng mga kasamahan nito. Sa gitna ng takot at pagtataksil, natutunan niya na hindi lahat ng tao na pinag kakatiwalaan natin ay may mabuting intensyon. Ito ang secret file ni JC.
Ginawa kong kabit ang rider ko
ÉcoutéPagod na ang letter sender sa relasyon nila ng boyfriend niyang walang malinaw na pangarap sa buhay, kaya nang makilala niya ang isang pogi at maalagang Move It rider, unti-unti siyang nahulog dito hanggang nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng boyfriend niya. Pero ang akala niyang bagong pag-ibig ay puno rin pala ng kalituhan—walang label ang relasyon nila, at minsan ay bigla na lang nawawala ang lalaki. Ngayon, hindi niya alam kung ipaglalaban pa ba niya ang relasyong walang kasiguraduhan o kung panahon na para piliin naman ang sarili niya. Ito ang secret file ni Yuri.
Sa motel namatay ang asawa ko
ÉcoutéHalos 12 taon naging masaya ang pagsasama ng letter sender at ng asawa, kaya labis ang sakit nang matuklasan niyang may ibang babae pala ang mister niya. Ang mas masakit, sa mismong araw ng pagkamatay nito, natagpuan niya ito sa isang motel kasama ang babaeng matagal na niyang pinaghihinalaan. Naiwan sa kaniya ang maraming tanong, sakit, at panghihinayang dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap at magpaalam nang maayos. Sa kabila ng pagtataksil, mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal sa lalaking nakasama niya sa loob ng maraming taon. Ito ang secret file ni Kaye.
Sa sobrang excitement, ibang AFAm ang nayakap ko
ÉcoutéHalos anim na buwan nang magkasintahan ang letter sender at ang kanyang foreigner boyfriend, pero online at video call lang sila nagkakakilala. Kaya naman sobra ang excitement niya nang sa wakas ay dumating na ito sa Pilipinas. Sa sobrang sabik niyang mayakap ang nobyo, napayakap pa siya sa maling foreigner sa airport! Pero ang pinakahindi niya malilimutan ay ang tunay na pagkikita nila ng AFAM—na may nakakagulat na pagbabago sa itsura. Ngayon, hindi lang bakasyon sa Pilipinas ang kanilang pagsasamahan, dahil susunod na rin siya sa bansa nito para sa panibagong kabanata ng kanilang love story. Ito ang secret file ni Karen.
Sobrang wild niya at sarap na sarap ako
ÉcoutéMatapos ang masakit na breakup, muling nakahanap ng saya ang letter sender sa isang kaibigan niya. Nagsimula ang lahat sa simpleng utang, pero nauwi sa isang lihim na relasyon na hindi na niya kayang basta bitawan. Ang problema, may boyfriend na siya at maayos naman ang pagsasama nila. Ngayon, hati ang puso niya sa pagmamahal at sa isang lihim na nagbibigay sa kanya ng ibang klaseng saya—at hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang itago ang lahat. Ito ang secret file ni Yumi.